Biography
Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Mariano Marcos State University – College of Arts and Sciences, Batac City, Ilocos Norte. Siya ay kabilang sa Departamento ng Lenggwahe at Literatura at nagtuturo ng asignaturang Hum 01 – Art Appreciation, ABEL 170 – Translation Studies at EL 150 – Structure of the Filipino Language. Sa kanyang labing-tatlong taong pagtuturo sa MMSU – CAS, siya ang kasalukuyang Coordinator ng Instructional Materials Development.
May dalawampu’t pitong taon na siyang karanasan sa larang ng pagtuturo kasali ang labintatlong taon niya sa MMSU at mula sa iba’t ibang paaralang pribado at publiko sa mga kalapit na lugar na kanyang kinalakhan. Masasabing bahagi na ng kanyang buhay ang mundo ng pagtuturo at kaakibat ng kanyang sinumpaang tungkulin ang magbahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral. Hindi siya tumitigil sa pagpapalawig ng kanyang kasanayan sa pagtuturo kung kaya’t marami na rin siyang mga seminar na dinaluhan magmula lokal, nasyunal at internasyunal. Naranasan na rin niyang maging ispiker sa mga Nasyunal na Kumperensya dahil sa kanyang mga pananaliksik na natapos. Nakapagsulat na rin siya ng mga kagamitang panturo tulad ng Batayang Sanayang-Aklat sa Filipino para sa Grade 11 at Grade 12 at Multimodal na Kagamitan sa Pagtuturo ng Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Kasalukuyan ding tinatapos niya ang Instructional Materials in Translation Studies. Nakapaglathala na rin siya ng mga akdang pampanitikan tulad ng tula sa aklat na Verbo: Ang Kapangyarihan ng Tula at dagli sa aklat na Padayon: Mga Kuwento ng Pakikipagsapalaran.
Siya ay nagtapos ng Doctor of Philosophy in Language – major in Filipino Language sa Benguet State University, La Trinidad, Benguet sa taong 2019; Master of Arts in Education – Wika at Panitikan sa Mariano Marcos State University – Graduate School sa taong 2012. Natapos din niya ang kanyang kursong Bachelor of Secondary Education (BSE), medyor sa Filipino at maynor sa Araling Panlipunan sa Mariano Marcos State University – College of Teacher Education sa taong 1993.
Siya ay tubong San Nicolas, Ilocos Norte ngunit pinalad na makapag-asawa sa Lungsod ng Batac. Sa kasalukuyan ay masaya siya sa piling ng kanyang bugtong na anak na labintatlong taong gulang na si Jobelle Iona D. Pungtilan. Dalawa na lamang silang namumuhay dahil namatay ang kanyang asawa noong Hulyo 15, 2023.
Research Publication
Citations
Patents