Associate Professor III sa Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos- Kolehiyo ng Sining at Agham kung saan kasalukuyan siyang nagtuturo. Nagtapos ng kanyang Batsilyerya sa Sining ng Edukasyon (BSE), medyor sa Filipino at maynor sa Araling Panlipunan noong 1991 sa Mariano Marcos State University- Kolehiyo ng Edukasyon at Master sa Sining ng Edukasyon espasyalisasyon sa Filipino noong 2001 sa pamantasan din ito. Natapos ang kanyang digri na Ph. D. Linguistics, espesyalisasyon sa Applied Linguistics sa Paaralang Gradwado ng MMSU sa taong 2013.
Nagsimula siyang magturo bilang instructor sa kolehiyo sa MMSU-College of Acquatic Science and Applied Technology noong 1997. Nailipat siya sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng MMSU noong 2000 hanggang sa kasalukuyan. Bago pa man nakapagturo sa antas tersyarya, naging guro siya sa antas sekundarya sa Sta. Rosa Academy, San Nicolas, Ilocos Norte noong 1991-1992 at sa St. Mary’s Seminary sa Mangato, Lungsod ng Laoag sa taong 1992-1995.
Nanungkulan bilang Direktor ng Panrehyong Sentro ng Wikang Filipino, R-I sa ilalim ng Komisyon sa Wikang Filipino; ng parehong tanggapan nanungkulan muna bilang Katuwang na Direktor; naging tserman ng Departamento ng Filipino sa Kolehiyo ng Sining at Agham; tagapayo ng KAMFIL.
Nagtamo siya ng mga karangalan tulad ng Recipient Scholar sa hayskul, College Scholar, naging iskolar sa Espesyal na kurso na itinaguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino at Pamantasang Normal ng Pilipinas. Bukod nito, runner-up ng Ms. College- Y, Ms. IRAA 1991; Ms. Ilocos Norte noong 1991 at Ms. SEDP R-I (Pribadong Paaralan) noong 1991.
Isang manunulat ng batayang-aklat sa Komisyon sa Akademikong Filipino, Pagbasa at Pagsulat tungo sa pananaliksik; mananaliksik ng Isang libo’t isang kahulugan na pinunduhan ng Komisyon sa Wikang Filipino; lektyurer ng mga seminar na lokal at panrehyon; paper presentor ng kumperensiyang pandaigdig The Joint International Conference of the Pan- Asian Consortium of Language Teaching Societies (PAC) and the Philippine Association for Language Teaching, Inc. (PALT) na ginanap sa University of San Jose Recoletos, Cebu City, Philippines,; tagapagsanay ng Non-filipino majors na isponsor ng DepEd, at panel sa mga Gradwadong pananaliksik.
Kasalukuyan siyang study leader sa isang research na may pamagat na Pagbuo at Pagbalideyt ng Batayang Sanayang aklat sa Panitikan ng Pilipinas at co-researcher naman sa Pagbuo at Pagbalideyt ng Batayang Sanayang Aklat ng Masining na Pagpapahayag.