College of Arts and Sciences
Associate Professor V
Email Address: marjenc.salvador@yahoo.com
Associate Professor V sa Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos, Kolehiyo ng Sining at Agham (CAS), Batac City kung saan siya ay kasalukuyang nagtuturo. Dating Research Coordinator ng Departamento ng Filipino, naging tagapayo ng klase , tagapayo ng Kapisanang Inang Wika (KIW) na ngayon ay Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino at Literatura (KAMFIL), naging coordinator din ng mga Gawaing Mag-aaral (SAC), dating tserman/puno ng departamento ng Filipino sa Kolehiyo ng Sining at Agham, Batac City, naging coordinator ng Ph. D. In Linguistics sa Paaralang Graduwado, Lungsod ng Laoag, naging tagapayo, miyembro at reader critic ng ilang mga estudyanteng nagsasagawa ng thesis at disertasyon sa naturang Paaralang Graduwado .
Ko-awtor ng mga aklat na pinamagatang Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Batayang Aklat sa Filipino I sa antas tersyarya) at Kalatas: Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik (Batayang Aklat sa Filipino 2 sa antas tersyarya).
Naging tagapagsanay ng mga gurong nais magpakadalubhasa sa Filipino sa ilalim ng programa ng DepEd.
Naging iskolar sa Espeyal na Kurso na itinaguyod ng Komisyon ng Wikang Filipino at Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Naging Paper Presenter din sa ating unibersidad (MMSU), ganun din sa Pambansang Kumperensiya na ginanap sa Saint Louis University, Baguio City at The Joint International Conference of the Pan- Asian Consortium of Language Teaching Societies (PAC) and the Philippine Association for Language Teaching, Inc. (PALT) na ginanap sa University of San Jose Recoletos, Cebu City, Philippines,
Natapos niya ang 36 yunit sa kursong Doctor of Education major in management (Ed.D Management) sa naturang paaralan (MMSU-GS) Lungsod ng Laoag kung saan din siya kasalukuyang nagtuturo. Nagtapos ng Doctor of Philosophy , espesyalisasyon sa Applied Linguistics (Ph.D in Applied Linguistics) sa nasabing pamantasan sa taong 2008 at Master of Arts in Education espesyalisasyon sa Filipino ( MAEd in Filipino )noong 1999. Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Education (BSE) medyor sa Filipino at maynor sa Araling Panlipunan sa MMSU, College of Education (MMSU-CE) na ngayon ay MMSU, College of Teacher Education (MMSU-CTE). at ng sekondarya naman sa MMSU, Institute of Arts and Design (MMSU-IAD) noong 1986 bilang isa sa mga STUDENTS WITH DISTINCTION at isa sa mga TOP TEN STUDENTS sa naturang paaraalan. Nagtapos siya ng elementarya sa Paoay Central Elementary School sa Paoay , Ilocos Norte noong 1982 bilang 5th honors.
Kasalukuyan siyang study leader sa isang research na may pamagat na Pagbuo at Pagbalideyt ng Batayang Sanayang aklat sa Masining na Pagpapahayag at co-researcher naman sa Pagbuo at Pagbalideyt ng Batayang Sanayang Aklat sa Panitikan ng Pilipinas.