Alma Sierra - Researcher Profile


Department

College of Arts and Sciences

Assistant Professor II

Contact

Email Address: sierraalma@ymail.com


Biography

Kasalukuyang nagtuturo ng Filipino 1, Filipino 2 at Filipino 3 sa Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos, Kolehiyo ng Sining at Agham  na may istatus na permanent at kabilang sa tatlumpo’t dalawang fakulti na bumubuo sa Departamento ng Lenggwahe at Literatura. Siya rin ay nagtuturo ng mga asignatura sa MAED Filipino sa Paaralang Gradwado. Siya ay kasalukuyang Tagapayo ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino at Literatura (KAMFIL), ang opisyal na organisasyon ng mga mag-aaral  sa Filipino at Literatura, at kasalukuyan ding Socio-Cultural Affairs Coordinator at OIC Student Affairs Coordinator sa kanyang kolehiyo.

Nagtapos siya ng Ph.D in Linguistics sa taong 2014, Master of Arts in Education (MAEd) sa Filipino (Wika at Panitikan) sa taong 2010 sa MMSU – Paaralang Gradwado (MMSU – GS). Kumuha siya ng Batsilyer sa Sining ng Edukasyon (BSE), medyor sa Filipino at maynor sa Ingles sa Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos – Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro (MMSU – CTE) sa taong 1999; nag-aral ng sekundarya, sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Bacarra sa taong 1994; at elementarya sa Mababang Paaralan ng Bacarra sa taong 1990.

Siya ay nakadalo na sa mga  International, National, Regional, Local at Institutional na Pagpupulong, Kumperensya, Gawaing-Kapulungan at Pagsasanay na pinangasiwaan ng Commission on Higher Education (CHED), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Departamento ng Edukasyon (DepEd) at maging ang mga pribadong ahensya na nagsusulong sa pagkakaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon at natatanging kasanayan ng mga guro sa pagtuturo. Siya ay myembro ng iba’t ibang organisasyon gaya ng Linguistics Society of the Philippines (LSP), International Association of Scholarly Publishers, Editors, and Reviewers, Inc.( IAMURE), Philippine Association of Institutions for Research (PAIR), NAKEM International, Sanggunian sa Filipino (SANGFIL),

Siya rin ay national coach winner ng Masining na Pagkukuwento.

Research Publication

Citations

Patents