Francisca Nicolas - Researcher Profile


Department

College of Teacher Education

Associate Professor V

Contact

Email Address: fsnicolas@mmsu.edu.ph


Biography

Associate Professor V sa Mariano Marcos State University, Kolehiyo ng Sining at Agham, Lungsod ng Batac, Ilocos Norte, Philippines.   Mahigit dalawampu’t pitong (27) taon na sa larangan ng pagtuturo ng Filipino at Literatura sa nasabing pamantasan. Siya rin ay isang regular faculty at dating koordineytor ng Programang Filipino sa Paaralang Gradwado ng Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos mula sa taong 2006-Agosto  2011. Naging direktor ng tatlong taon sa Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino, Rehiyon 1.

Kasalukuyang Filipino kritik ng SIRMATA, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng MMSU at nagsisilbi ring tagapayo, kritiko, editor sa mga disertasyon at tesis ng mga mag-aaral sa paaralang gradwado ng pamantasang pinaglilingkuran.

Nagtapos ng Ph.D Linguistics, medyor sa Applied Linguistics noong Abril 2011 sa Paaralang Gradwado ng Mariano Marcos State University.  Nagpakadalubhasa sa Filipino: Wika at Panitikan noong 1999 at kursong Bachelor in Secondary Education medyor ng Filipino at maynor ng Social Studies noong 1994 sa pareho ring pamantasan.

 Ko-awtor ng mga librong pinamagatang Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas, batayang aklat sa Literatura 1, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, batayang aklat sa Filipino 1, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, batayang aklat sa Filipino 2 sa antas tersyarya , Haraya: Sanayang Aklat sa Estruktura ng Filipino at Ubbog:  Sanayang Aklat sa Filipino 11 at  Filipino 12 para sa Senior High School. 

 Tumanggap ng mga karangalan tulad ng  Best Paper Presenter  sa Pambansang Kumperensiya sa Pananaliksik na pinamahalaan ng UST at HAMAKA, Inc. noong Setyembre 20-21, 2018, Pinakamahusay na nagpakitang-turo at Pinakamagaling na nagsalin (tersyarya) na ipinagkaloob ng De la Salle University noong 1997 sa Pambansang Seminar–Worksyap sa Filipino.  Nakatanggap din ng sertipiko ng Pagkilala bilang Tagapagsanay/Coach ng dagliang talumpati na nagwagi bilang Champion sa National PASUC Literary and Speech Contest noong 2008 at 2012 sa PNU at TUP, Manila.  Pinarangalan din bilang “Most Outstanding Alumnae” ng Saint Nicholas Academy noong March 11, 2017 at ng Vintar Central Elementary School noong March 28, 2018.

Siya ay nagsisilbing ebalweytor/ konsultant sa mga aklat na binubuo/ isinasalin sa Ilokano/Filipino sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon na pinamamahalaan ng IMCS.

Sa kasalukuyan, ay nagsisilbing Project leader sa mga pag-aaral na pinamagatang “Paglilikom, Pagsusuri at Pagsasalin sa mga Katutubong Panitikang Ilokano.” na kung saan ay may tatlong bahagi ng pag-aaral:  Una,  Paglilikom, Pagsasalin at Pagsusuri ng mga Awiting-bayang Ilokano; Ikalawa, Paglilikom Pagsasalin at Pagsusuri  ng mga Karunungang-bayang Ilokano at Pangatlo: Paglilikom , pagsusuri at Pagsasalin ng mga Kuwetong-bayang Ilokano.  Naging study leader din sa natapos na  pag-aaral na pinondohan ng MMSU na pinamagatang:  Pagbuo at pagbalideyt ng sanayang aklat sa Filipino 11 at 12 na naiprisinta  sa Pambansang Kumperensiya sa Pananaliksik na pinamahalaan ng  University of  Santo  Tomas at HAMAKA, Inc. at nakasungkit ng karangalan sa paligsahan kaugnay sa pananaliksik.

Research Publication

  • Francisca Nicolas. 2018. Sanayang Aklat sa Filipino 11. Sanayang Aklat sa Filipino 11 January 2018

Citations

Patents