Research Details
Pagbuo at Pagbalideyt ng Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 1 at 2
Francisca Nicolas, Djoanna Pungtilan, Alma Sierra
Category: Project
Status: Completed
Duration:
April 1, 2015 -
April 30, 2016
Brief Description
Proponents:
- Francisca S. Nicolas
- Alma A. Sierra
- Djoanna D. Pungtilan
From the proposal:
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, lalo pang mahihikayat ang mga mag-aaral na tangkilikin ang mga asignaturang Filipino 1 at 2 at higit na mapagyayaman ang mga kasanayang pangkomunikasyon, kaalamang pananaliksik at bunga nito mapapataas ang kalidad ng pagtuturo-pagkatuto gamit ang aklat-sanayan na hango sa mga mahihirap na aralin batay sa mga mag-aaral at mga guro. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral ng kalayaang sagutin/gawin/balikan and anumang mga gawaing nakatala sa bawat aralin dahil ang aklat-sanayan na bubuuin ay sadyang tutugon sa kanilang kakayahan at pangangailangan. Bunga nito, higit na mapapagaan at mapapabilis ang pagtuturo ng mga guro at magiging mabunga ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
2015 Agency In-House Review
Study 2: Pagbuo at Pagbalideyt ng Batayang Sanayang Aklat sa Filipino 2
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magkakaroon ng kagamitang panturo ang mga propesor/instruktor ng Filipino 2 na magagamit sa kanilang pagtuturo upang matulungan ang mga mag-aaral na lalo pang malinang ang kanilang kakayahan sa mga target na kasanayang nililinang sa nasabing asignatura.
Malaki rin ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga kapwa-guro. Ang mabubuong aklat-sanayan ay magsisilbing angkop na kagamitan sa pagtuturo na maaaring magbunga ng isang kawili-wiling at epektibong pagtuturo at pagkatuto. Mahihikayat din silang maging malikhain at bumuo ng ganitong kagamitan sa paraang kawili-wili at kaaya-aya na magagamit nila sa kanilang pagtuturo.
Paghahanda
- Pagtukoy sa mga pangangailangan ng mga guro at mag-aaral
- Pagsusuri sa mga aklat sa Filipino 2 at Pagbabasa ng mga Kaugnay na Literatura at mga Pag-aaral
Paghahanda
- Paghahanda at pagbuo ng Aklat-Sanayan
Pagbalideyt
- Pagtataya sa Baliditi ng Nabuong Aklat-Sanayan
- Pangrebisa at Pagbuo ng Pinal na Aklat-Sanayan
Paggamit
- Matapos sumang-ayon ang mga konsultant/ebalweytor sa nabuong aklat-sanayan gagamitin na ng mga guro sa FILIPINO 2 ang mga ito. Sa pamamagitan nito, matutukoy ang kaangkupan ng nabuong aklat-sanayan batay na rin sa fidbak ng mga guro at mag-aaral.