Research Title | Pagbuo at Pagbalideyt ng Batayang-Sanayang Aklat ng Masining na Pagpapahayag |
Researcher(s) | Janet Rivera, Nelie Salvador, Rosalinda Imperio, Richard Agbayani |
Research Category | Study |
Research Status | completed |
Duration | Apr 01, 2015 to Apr 30, 2016 |
Commodity | Education |
Research Site(s) | |
Source of Fund(s) | Fund 164 |
Brief Description | Ang mabubuong batayang sanayang aklat ay magsisilbing kagamitang panturo sa Filipino 3. Magagamit ito upang matugunan ang kakulangan ng materyal na sadyang kapaki-pakinabang sa pag-aaral ng asignaturang Filipino 3. Mapapagaan ang gagawing pagtuturo ng guro sapagkat mahihikayat ang mga mag-aaral na gumawa at magkaroon ng sariling-likha bilang aplikasyon sa kanilang natutunan. Sa pamamagitan din ng mga ito, higit na malilinang ang kanilang kakayahan sa mabisang pagpapahayag. Mga Hakbang ng Pag-aaral
Proponents:
2015 Agency In-House Review Ito ay nakatuon sa kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral - pasalita man o pasulat ay nakasalalay sa lawak ng kaalaman, pagkamalikhain at kahusayan ng guro sa pagtuturo. Batay sa mga katangiang ito ng guro ay lalong nabibigyan ng interes at motibasyon ang mga mag-aaral para sa mas matindi at mas makabuluhang pag-aaral partikular na ang tungkol sa retorika o masining na pagpapahayag at malikhaing pagsulat. Ang sabi nina Tumangan, A.P. Sr. et.al. 2006, ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat. Dito pinag-aaralan ang ukol sa mga tuntunin nang malinaw, mabisa, kaakit-akit at magandang pagpapahayag. |
Expected Output | Makabuo ng isang kagamitang panturo na nasa anyong batayang sanayang aklat. Ipapalimbag ang kagamitang ito bilang karagdagang reperensiya sa pagtuturo ng Filipino 3. Ang pagtukoy sa mga salik ng pangangailangan para mabuo ang batayang-sanayang aklat ay nakasalig sa mga apat na uri ng pagpapahayag tulad ng paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay at pangangatwiran. Gagamitin ang resulta na pag-aaral na ito upang magabayan ang mga mag-aaral na makabuo ng mga sariling teksto batay sa mga naturang uri ng pagpapahayag. |
Abstract | Not Available |