Research Details
Pagmamapa ng mga Lokal na Ekonomiyang Pamumuhay (Subsistence Econmies) sa Ilocos Norte
Janet F. Rivera
Category
Study
Status
On-going
Duration
Oct 1, 2022 -
Apr 1, 2024
Brief Description
Ang ekonomiyang pamumuhay ay tumutukoy sa pangkalahatang kahulugan na isang tradisyunal na pamamaraan ng pangunguha ng pagkain para sa kapakanan ng pagkunsumo (Wickham, 2006; Kuokkanen, 2011; Freeman, 2012). Ito ay isang uri ng impormal na ekonomiya na nangyayaring karanasan sa mga lugal na rural sa buong mundo Halsall (2007; Bergman and Hornberg, 2015). Magkagayunman, ang istigma na nagpapamalas ng primitibo at pabalikwas na paraan ay nagpapatuloy pa rin sa gawain para sa ekonomikong pamumuhay (Curta, 2021), bagamat patuloy na pag-aaral sa larangan ng Antropolohiya, at Kasaysayan ay nagtatalo pa rin sa pagiging katutubo o indigenity sa pamamaraan ng pangunguha ng pagkain ng ekonomikong pamumuhay, nanatili pa rin bilang pagpapayaman ng kaalamang indiheno, nagpapatunay na patuloy ang kultural na paglilipat, at matibay na naratibong kaligtasan
Sa modernong panahon, ang pandaigdigang hamon sa seguridad ng pagkain, at ang panlipunang kakulangan dulot ng pandemya mula sa COVID-19 ay naiwan tayo para sa pagkakaroon (accessible) ng pagkain, suplay ng pagkain, at sa pangkalahatan, kaligtasan (survival). Isang katanungan kung paaano ang populasyon ng indiheno ay nakapalagpas at natugunan ang kakulangan ng pagkain ng mga nakaraang taon. Ang pandemiya at natapos na pandemiya ay may nagawang pag-aaral gaya ni Skalkos (2023), binigyang-diin ang muling imersyon ng “farm-to- table” na tugon gaya ng mga maybahay sa bansang Europa at madaling pagpapalit ng gulayan sa mga tanim na namumulaklak. Sa Pilipinas, Villanueva (2022) ay parehong binanggit ang 60% ng mekanismong pagkaing pangkaligtasan ng mga ilang hiwalay na bayan at munisipalidad ng nabanggit na panahon. Isinagawa ang tradisyonal na pangunguha ng pagkain gaya ng pangunguha sa batis, ilog, sapa, pag-aani ng mga yamang-lupa gaya ng kamote, at simpleng pangunguha ng mga batid na prutas, gulay at marami pang iba. Ang mga resulta ay nagpapamalas na hindi lamang mga small to medium enterprises, katatagan at mga ayuda ng gobyerno ang naging danas noong panahon ng pandemik. Ang hindi napagtuunan ng pansin ay ang likas o nakagisnang kaalaman ng mga Filipino, lalung-lalo na sa mga lugar na maginalisado, sa paraan ng na gamitin ang kalikasan para sa ekonomikong pamumuhay.
Expected Output
Pagbuo ng Kagamitang Panturo kaugnay sa Ekonomiyang Pamumuhay ng mga piling munisipalidad ng Ilocos Norte