Research Details
Sipat-Dalumat sa Kultura ng mga Ilokano (Panangtaldiap ken Panangamiris Kadagiti Kannawidan ni Ilokano) (Glimpse and Analysis of Ilocano Cultures)
DJOANNA D. PUNGTILAN, NELIE S. SALVADOR, RICHARD S. AGBAYANI, WEENA G. FRANCO
Category
Study
Status
Completed
Duration
Jan 1, 2023 -
Jan 31, 2025
Brief Description
Natatangi at talagang kakaiba ang kultura ng mga Pilipino kung ikukumpara sa mga bansang Asyano. Lahat ng mga pinaniniwalaan at pag-uugali ay tunay na maoobserbahan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino na siyang nagpapatotoo kung gaano kayamanan ang kulturang Pilipino. Masasabi kung gayon, na ang kultura ay repleksyon ng kasaysayan at nagsisilbi rin itong tatak at impluwensya ng mga taong nakakasalamuha. Ang magkakasanib na pagkakakilanlan ng Malayo-Polinesyo, Kastila na may impluwensya ng mga Intsik, Indiyano – Arabo at iba pang kulturang nakaugnay sa gawi at tradisyon ng mga Pilipino ay tunay na nakapagpapatingkad sa kasaysayang Pilipino. Hindi kaiba dito ang mga Ilokano kung gawi at kulturang Pilipino ang pinag-uusapan. Ang mga Pilipino ay kinagisnan na ang pagpapaniwala sa mga pamahiin at hanggang sa kasalukuyan ay hindi nababago ang pag-uugaling ito lalo na ang mga Ilokano.
Ang mga pamahiin o paniniwala ay isang uri ng panitikan na nagpasalin-salin sa mga tao sa pamamagitan ng mga matatanda noong unang panahon. Sa pamamagitan ng mga ito, nababago nito ang sistema ng kabuhayan, pagpapahalaga ng mga tao sa mga bagay-bagay at maging ng mga kulturang kinagisnan. Sinasalamin ng mga pamahiin ang mga kaugalian, tradisyon at paniniwala ng isang pangkat na maaaring nakaangkla sa relihiyong kinabibilangan, opinyon at maging ang mga lumang mga gawi na naging tampok sa mga tao. Sa sobrang tanda na ng kultura ng pamahiin, hindi na matutunton pa ang pinagmulan ng katagang madalas na marinig: “Wala namang mawawala kung sususndin.”Ang mga pamahiin ay ang mga paniniwalang walang batayan hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang kinalaman sa isa’t isa ngunit mayroon itong malaking epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang para sa lahat ng mga guro at mga mag-aaral sa mga asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas, Filipino at Literatura kundi para sa lahat ng mga Ilokano. Magsisilbing gabay ang proyektong ito upang mabatid ang mga pamahiing Ilokano sa Ilocos Norte na nakapokus sa tatlong yugto ng pamumuhay – pagkapanganak, pag-aasawa at pagkamatay. Tunay na marami na ang naisagawang pananaliksik hinggil sa kultura at mga pamahiin ngunit ang proyektong ito ang magiging kauna-unahan at detalyadong dokumentasyon at pagsusuri ng mga pamahiin sa buong Ilocos Norte na siyang magpapatunay na ang probinsya ng Ilocos Norte ay mayaman sa mga pamahiin. Dito rin mapag-aaralan ang mga pamahiing patuloy na sinusunod sa kasalukuyan at kung ano ang mga pamahiing nawawala na at mga dahilan ng pagkupas ng mga ito.
Sa pag-aaral din ito mailalahad ang pagpapaliwanag sa pahayag na “Hanggat ang indibidwal ay nag-iisip na ang mga paniniwala sa pamahiin ay kapaki-pakinabang sa sariling buhay, patuloy nilang paniniwalaan ang mga ito, kahit pa alam nila na ang paniniwala o hindi sa mga pamahiin ay walang matibay na pinagbabatayan kung hindi ang mga bagay na nakagisnan lamang.”
Expected Output
2P's
a. Makabuo ng kauna-unahang aklat na naglalaman sa mga nalikom at nasuring mga pamahiin sa Ilocos Norte batay sa tatlong yugto ng buhay.
a. Makabuo ng kauna-unahang aklat na naglalaman sa mga nalikom at nasuring mga pamahiin sa Ilocos Norte batay sa tatlong yugto ng buhay.
b. Maisumite ang pananaliksik para sa publikasyon sa nasyunal o internasyunal na journal at maipresenta rin sa mga kumperensyang nasyunal o internasyunal
c. Makapagpalimbag at mairehistro ang aklat na pagmamay-ari ng mga mananaliksik at MMSU sa pangkalahatan upang maibenta at magamit na sangguniang aklat.
d. Maaaring magamit sa pangkalahatan ng mga mag-aaral sa DepEd bilang sangguniang aklat at sa partikular naman ay mga mag-aaral sa MMSU na nakaenrol ng MAEd Filipino sa asignaturang Panitikang Rehyunal, PhD Linguistics sa kanilang asignaturang Folk Literature at mga mag-aaral sa CAS lalo na ang mga nakaenrol sa BA Sociology sa kanilang mga asignatura na nauugnay sa Lipunan at Kasaysayan at iba pang mag-aaral na may kaugnay na paksang sinasaliksik.
e. Magsisilbing hanguan ng mga impormasyong nauugnay sa kulturang Pilipino partikular sa mga pamahiing Ilokano sa Ilocos Norte na kailangan sa akademikong pag-aaral.
f. Magpapatibay lalo sa ugnayang akademiko ng MMSU, DepEd at NCCA ang resulta ng pag-aaral dahil sa masusing dokumentasyong isasagawa sa paglikom ng datos at pagbuo ng pananaliksik na magbubunsod sa paglimbag ng kauna-unahang “Aklat ng mga Pamahiin sa Ilocos Norte”
2 Is
1. Ang pananaliksik ay magkakaroon ng malinaw na sosyal impak dahil magmumulat ito sa katotohanang marami na sa mga pamahiing panlipunan ang nakakalimutan na dahil sa modernisasyon at internasyunalisasyon kaya mahalagang matalakay ang mga ito para sa mas magandang kalidad pa ng pagtuturo at pagkatuto sa lipunang Ilokano
2. Ang “Aklat ng mga Pamahiin sa Ilocos Norte ay maaaring ibenta at maging income generating project ng MMSU